Deprecated: The each() function is deprecated. This message will be suppressed on further calls in /home/customer/www/modxnew.hciphil.com/public_html/core/xpdo/xpdo.class.php on line 2742

Deprecated: Function get_magic_quotes_gpc() is deprecated in /home/customer/www/modxnew.hciphil.com/public_html/core/model/modx/modx.class.php on line 340

Deprecated: Function get_magic_quotes_gpc() is deprecated in /home/customer/www/modxnew.hciphil.com/public_html/core/model/modx/modx.class.php on line 340
Health Code International - JUANITO SERVANDA

Content on this page requires a newer version of Adobe Flash Player.

Get Adobe Flash player

JUANITO SERVANDA

FROM VERTIGO TO HCI BUSINESS

Bago ang lahat ay gusto kong magpasalamat sa Diyos na nagbibigay ng sagana sa lahat ng mga bagay.  Ako po ay dating supervisor ng security sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Manila.  

Nobyembre 19, 2009,  nagkaroon ako ng kakaibang karamdaman ng pagkahilo, ang aking ulo ay tila tabingi.  Uminom po ako ng gamot para sa hilo sa loob ng halos isang buwan, pero wala pa ring pagbabago sa aking pakiramdam.  Ako po ay nagpahatid ng motor sa tauhan ng UNTV upang magpatingin sa doktor.  Doon ay binigyan nila ako ng libreng Vitamin B-12 at baka daw kulang lang ako sa tulog.  Halos naubos ko na po ang ibinigay sa aking bitamina pero di pa rin nagbabago ang aking pakiramdam.  Lumipat po ako sa isa pang doktor na may clinic sa Cubao at nakita nya na may namamaga sa ilalim ng aking tainga.

Binigyan niya ako ng reseta ng mga gamot at isang likido na pinapatak sa ilalim ng tainga.  Halos umabot sa isang buwan pero wala parin akong nararamdaman na pagbabago.  Tumawag ako sa nasabing doktor upang tanungin kung bakit di pa rin gumagaling and aking pakiramdam pero ang sinabi nya ay mahirap daw talagang gumaling ang karamdaman sa tainga. 

Bagamat nawawalan na ako ng pag-asa na gumaling naglakas loob parin ako na lumipat sa iba pang doktor.  Ngunit, binigyan ulit ako ng tatlong (3) gamot pero sa kasamaang palad ay wala pa ring pagbabago sa aking kalagayan.  Halos ipanalangin ko na ang aking sarili na sana ay kunin na ng Panginoon,  pero hiniling ko na kung hindi man magkaganon ay sana may magaling na doctor akong makilala.

Sa isang pagkakataon, habang ako ay nakaupo sa gate ng paaralan, lumapit sa akin si Dr. Camba at inaalok ako ng HCI CMD at ang sabi sa akin ay magaling at makakatulong ito sa lahat ng sakit.  Sa pagkakataong iyon, ako po ay mahirap napaniwala sapagkat ang daming sakit na nakasulat sa mga ipinakita sa aking flyers.  Ngunit nang nakita ko ang salitang vertigo sabi ko sa sarili ko “sakit ko ito!” dahil dito ay sinubukan kong gamitin and produkto.  Sa dalawang araw pa lamang ng paggamit ko ng HCI CMD ay bumalik ang normal na pakiramdam ko.  Lubos ang pagpapasalamat ko sa Diyos at ginamit nya ang HCI CMD para bumuti at guminhawa ang aking karamdaman.

Nang napatunayan ko na maganda ang resulta sa paggamit ng HCI CMD, inialok ko ito sa mga empleyado, faculty members at estudyante sa PUP upang makatulong din sa kanila.  Napagdesisyunan kong mag resign bilang Security Officer at nag full-time ako sa HCI Business upang ipalaganap sa lahat ng tao ang kagandahan ng HCI CMD sa kalusugan.  

Dahil sa maraming tao na ang natulungan ng HCI CMD, halos umiikot ako sa mga lugar tulad ng Nueva Ecija, Isabela, Zambales, NCR at Mindoro upang ibalita ang kagandahan ng produkto at malaking tulong din ito sa aking pinansyal na pangangailangan.

Hanggang ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang pag babahagi ko sa mga tao ng HCI CMD kahit saang lugar.
Salamat sa Diyos!

 
5th Flr. Unit A & H, Strata 100 Building No. 18
F. Ortigas Jr. Rd., Pasig City 1600, Philippines
Tel. no: (632) 635 6206 / 6354625 FAX no: (632) 637 2052
HOME | OUR COMPANY | PRODUCTS | MARKETING | ACHIEVERS | REACH US
all rights reserved © HCI Philippines 2017